Tricycle driver na nakakita sa pagdala kay Horacio Castillo III sa pagamutan, bantay-sarado ng MPD sa preliminary investigation ng DOJ

Manila, Philippines – Mahipit na seguridad ang ipatutupad ng Manila Police District sa tricycle driver at isa ring kagawad sa kanilang lugar na nakakita sa pangyayaring na 3 miyembro ng Aegis Juris Fraternity kabilang si John Paul Solano ang nagbitbit kay Atio sa Laong-Laan na nakabalot ng kumot papuntang pagamutan.

Ayon kay MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo, matibay ang hawak nilang testigo na magdidiin sa mga isinasangkot sa pagpatay kay Atio dahil nakita mismo nito ang pangyayaring binubuhat ng 3 miyembro umano ng Aegis Juris Fraternity si Castillo sa Laong Laan Street galing sa Aegis Juris Library.

Paliwanag ni Margarejo na mahalaga ang magiging salaysay ng testigo na tricycle driver sa ikareresolba ng kaso ni Atio kaya mahigit ang kanilang ipatutupad na seguridad sa testigo.


Giit ni Margarejo, ang magiging pahayag ng testigo ay magpapatibay sa ginagawang imbestigasyon ng MPD kaugnay sa pagkakasangkot kay John Paul Solano at mga kasamahan nito sa pagpatay kay Castillo.

Facebook Comments