MANILA – Katakot-takot ang pagso-sorry ni Agriculture Secretary Manny Piñol sa naipakitang baligtad na watawat ng Pilipinas ng humarap si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga negosyanteng Hapones sa Tokyo.Ang tamang display kasi ng watawat ay dapat nasa itaas ang bughaw o asul na bahagi nito pero ang naipakita sa power point presentation ng kampo ng Pangulo ay nasa itaas ang pulang bahagi ng watawat.Ang kahulugan ng ganitong pagdisplay ng watawat ay nagsasabing nasa gyera ang ating bansa.Pero ayon kay Piñol, honest mistake sa parte nya ang nangyari at hindi naman nakikipagyera ang Pilipinas.Napansin na daw niya ang nabanggit na pagkakamali sa isang slide ng power point presentation pero wala na siyang panahon para ito ay baguhin.Hinggil dito ay pinapahatid ni secretary Piñol ang paghingi niya ng paumanhin sa mamamayang Pilipino kaakibat ang pagbibigay diin na walang inyensyon na magdeklara ng gyera ang Pilipinas kaninuman o sa alinmang bansa.
Sec. Piñol, Inako Ang Pagkakasala Sa Baligtad Na Watawat Ng Pilipinas Na Ipinakita Ng Humarap Si Pangulong Duterte Sa Ec
Facebook Comments