Pormal nang nagpalabas ng kautusan si Agriculture Secretary Manny Piñol na naghihigpit sa mga cargo owners sa pagpasok ng mga mga de-lata gaya ng ma-ling at iba pang pork canned goods na posibleng mula sa mga baboy na ‘ASF-infected’.
Layunin nito na mas higpitan pa ang pagpapasok sa bansa ng mga meat products kasunod ng pag-atake ng mapaminsalang African swine flu virus sa mga babuyan sa 17 mga bansa.
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng ahensya sa Food and Drugs Administration (FDA) na nauna nang nagrekomenda sa pagpapatanggal sa mga ma-ling sa merkado na galing sa mga bansang infected ng African swine fever virus.
Nauna rito, nasabat ng Department of Agriculture Quarantine Office ang kahon-kahong cargo sa Subic Port na naglalaman na ‘meat balls’ na pinangangambahang mula sa karne ng baboy na infected ng ASF virus.