Sec. Roque, walang karapatan na mambully sa mga healthcare worker – VP Leni Robredo

“Wala kang karapatan mambully o mambastos”

Ito ang iginiit ni Vice President Leni Robredo kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque matapos ang isang viral video kung saan kinastigo ng kalihim ang isang grupo ng mga doktor na umaapela na pag-aralan muli ang desisyon ng IATF na luwagan na ang quarantine classifications sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Robredo, walang karapatan si Roque sa ginawa niya sa mga healthcare worker na sinusugal ang kanilang buhay sa laban kontra COVID-19.


Aniya, kaya nga mayroon Inter-Agency Task Force (IATF) para mapakinggan ang lahat ng sektor upang malaban ang nakakahawang sakit.

“Kung mayroon ibang tao na kausap mo na iba yung pagtingin sa mga bagay, wala ka namang karapatan na mag-react, the way na si Sec. Roque did. Kaya nga may IATF para mapakinggan lahat. Kung hindi ka agree, okay namang sabihin mo na hindi ka agree, pero wala kang karapatan na mam-bully at mambastos,” saad ni Robredo sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila.

Dagdag pa ni Robredo, malaki ang karapatan ng mga medical frontliner na ipahayag ang kanilang nararamdaman sa panahon ng COVID-19 pandemic dahil kinatawan naman sila ng kanilang sektor.

Sinabi pa ni Robredo, hindi deserve ng mga doktor ang pag-trato ni Roque sa kanila dahil marami na rin sa mga ito ang nawalan ng kasamahan dahil sa COVID-19.

“Yung kanilang panawagan ay nirerepresent nila yung sektor nila, kasi sila yung nangangalaga ng may sakit, sila na yung ang tagal na nagsasakripisyo. Karapatan nila na sabihin kung ano yung nasa loob nila, Salungat man yan sa pagtingin mo, wala kang karapatan na ganun yung reaction mo. Kung ayaw mong makinig sa ng kontra opinyon, wag ka na pumunta dun kasi yung purpose nung meeting na yung ay para maghanap o para i-harmonized yung iba’t-ibang mga pagpigin kung ano ang pinakamakakabuti sa taumbayan,” saad ni Robredo sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila.

Facebook Comments