Second dose vaccination, dapat iprayoridad ng mga LGU – Galvez

Hinikayat ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. ang lahat ng local government units (LGUs) na iprayoridad ang pagbabakuna ng second dose laban sa COVID-19 sa susunod na dalawang linggo.

Ito ay upang maitawid ang mga linggong kakaunti lamang ang ipinapadalang bakuna sa bansa.

Ayon kay Galvez, inabisuhan na ang mga LGU ukol sa maaantalang pagdating ng Sputnik V mula sa Russia at lingguhang pagpapadala ng Sinovac mula sa China.


“We are encouraging all LGUs across the country to concentrate in ensuring their constituents are fully vaccinated and they have the full protection of the vaccines. We are seeing a disparity in our national vaccination report wherein out of the 11 million jab administered, only 2.8 million were fully vaccinated. This should be addressed by our implementing units,” sabi ni Galvez.

Partikular na inaatasan ang lahat ng implementing units sa National Capital Region (NCR) plus 8 – na kinabibilangan ng Metro Cebu, Metro Davao, Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, Pampanga at Rizal.

Dapat ituon ang pagbabakuna sa mga nakatanggap ng unang dose ng Sinovac vaccines hanggang sa tumatag ang vaccine supply.

Facebook Comments