Tinawag na ‘absolutely ridiculous’ ni outgoing US President Donald Trump inihain na second impeachment ng Democrats ng US House of Representative laban sa kanya, pitong araw bago ang pag-alis nito sa pwesto bilang pangulo.
Kasunod ito ng nangyaring kaguluhan sa US Capitol Hill matapos sumugod ang ilang taga-suporta ni trump upang i-protesta ang pagkapanalo ni President-Elect Joe Biden.
Mariing itinanggi ni Trump ang pagkakasangkot sa nasabing gulo.
Kasunod nito, nagbabala si Trump na hindi niya titigilan si Biden at ang kaniyang administrasyon.
Facebook Comments