Cauayan City, Isabela- Umabot sa 91.2% ang employment rate status sa buong Cagayan Valley region batay sa second quarter regional economic situationer ng National Economic Development Authority (NEDA).
Anunsyo ito ng tanggapan kasabay ng Regional Development Council (RDC) Week Celebration.
Ayon kay Gina Dayag, Planning Division ng National Economic Development Authority (NEDA) Region 2, base ito sa rating sa nakalipas na buwan ng Abril o Labor Force Survey kung saan mas mataas umano ito kung ikukumpara sa 84% sa parehong buwan noong nakaraang taon.
Dagdag pa niya, nasa 6.5% inflation rate nitong nakalipas na buwan ng Hunyo kung saan mas mataas ito kumpara sa naitala sa parehong buwan noong 2020.
Sinabi pa ni Dayag, mataas pa umano ito dahil sa mataas na demand ng food at non-alcoholic beverages.
Bukod pa dito, apektado rin umano ang transport sector dahil sa kaliwa’t kanang pagpapatupad ng quarantine guidelines and social distancing requirements maging ang high domestic petroleum prices.
Binigyang diin rin ni Dayag na maganda naman ang sitwasyon sa usapin ng agrikultura lalo na sa produksyon ng palay mula sa 18% kung saan nananatili pa rin ang rehiyon bilang pangalawa na top contributor palay production nationwide at top corn producing region pa rin ang Cagayan valley mula sa 30.4% sa kabuuang corn produce sa buong bansa.
Samantala, nakakarekober naman na umano ang sitwasyon sa sektor ng turismo kung saan mayroong 33,000 guests sa nakalipas na kwarter kung saan mayroong 97.8 milyon tourist receipts.