Second quarter ng Nationwide Earthquake Drill, isinagawa sa sampung paaralan at ahensya sa lalawigan ng Capiz

Roxas City – Isinagawa kaninang alas 2:00 ng hapon ang 2017 second quarter ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa sampung paaralan at ahensya sa lungsod ng Roxas.

Ito ay pinangunahan ng Provincial Risk Reduction and Management Office ng Capiz kasama ang Bureau of Fire Protection, Philippine Red Cross, DepEd, PNP, at ibat-ibang ahensya ng pamahalaan.

Ayon kay Mr. Speed Pelaez ng PDRRMO, ang lalawigan ng Capiz ay pinili ng Office of the Civil Defense Region 6 na maging pilot area at ceremonial site para Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ngayong quarter sa buong rehiyon.


Layunin ng proyektong ito na mai-promote ang disaster preparedness kasama ang mga stakeholders at general public upang mas maging handa kung sakaling may mangyaring lindol.

Kabilang sa mga paaralan at ahensya na sumali sa earthquake drill ay ang sumusunod; Capiz National High School bilang pilot school, Roxas City School of Philippine Craftsmen, President Manuel A. Roxas Memorial School, Capiz State University, Hercor College, Don Conrado Barrios Memorial School, Cong. Ramon A. Arnaldo High School, The Health Centrum Inc., DepEd Roxas City Division at DepEd Capiz Division.

Facebook Comments