Taxi driver na siyang kukuha sana ng bala ng mga high powered firearms sa Cagayan de Oro, sumuko sa Martial law Special Action Group

Cagayan de Oro – Nasa kustodiya na ng Martial Law Special Action Group o ML-SAG ang nagpakilalang taxi driver na siya sanang kukuha ng mga bala ng high powered na mga armas sa isang cargo forwarder.

Ayon kay City Intelligence Unit Head Police Chief Insp. Ariel Philip Pontillas na noong Lunes Hunyo 26 sumuko ang taxi driver na napag-utusan lang umano ng isang Muslim.

Agad nagsagawa ng hot pursuit operation ang kapulisan para matuntun ang suspek pero kalaunan ay nalaman nilang sumuko na ito sa ML-SAG.


Samantala, inaalam pa rin ng kapulisan kung saan galing ang six thousand rounds ng bala ng M16 at two thousand rounds ng caliber 30 na dadalhin sana sa Marawi City.

Facebook Comments