Second tranche ng cash assistance sa ilalim ng SAP, hahawakan na ng AFP at PNP!

Hindi na mga Local Government Officials, kundi ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na ang magiging katuwang ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamahagi ng second tranche ng cash assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Ito ang kinumpirma sa interview ng RMN Manila ni DSWD Undersecretary Rene Glen Paje, kasunod na rin ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin na sa Local Government Units (LGUs) ang pamamahagi ng SAP cash aid dahil sa mga report ng korapsyon.

Ayon kay Paje, mayroon na silang initial coordination sa liderato ng AFP at PNP para makatulong sa pagbibigay ng ayuda, lalong-lalo na sa mga geographically isolated and disadvantaged areas.


Sa ngayon ay malapit nang umarangkada ang pagbibigay ng ikalawang bugso ng ayuda ng SAP.

Sinabi ni Paje na hinihintay na lang nilang matapos ang unang bugso kung saan nasa 97% o kabuuang 17.3-million househould na ang nabigyan mula sa target na 18-million.

Facebook Comments