Secretary Aguirre, umaasang papaboran ng SC ang hirit ng DOJ

Manila, Philippines – Bagamat suportado ni SC CJ Ma. Lourdes Sereno ang hirit ng Department of Justice na ilipat mula CDO RTC patungong Taguig RTC ang pagdinig sa mga kasong kinasasangkutan ng Maute terrorist group, nilinaw ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na ito ay kinakailangan pang dumaan sa pag-apruba ng mga mahistrado ng Kataas-Taasang Hukuman.

Ayon kay Aguirre, umaasa siya na susuportahan ng iba pang mahistrado ang hiling ng DOJ.

Bukas nakatakdang magdaos ng kanilang regular en banc session ang mga mahistrado ng SC.


Sa ambush interview kanina sa kalihim, sinabi nito na tila inaprubahan na ng Korte Suprema ang hirit ng DOJ pero agad namang nagpalabas ng paglilinaw ang SC sa pamamagitan ni Atty. Theodore Te, ang tagapagsalita ng Korte Suprema, at sinabing wala pang inilalabas na kautusan hinggil dito ang Kataas-Taasang Hukuman.

Facebook Comments