Hindi na masyadong magsasalita sa press conference si Presidential Communications Secretary Martin Andanar.
Ito ay matapos magpatupad si Andanar ng re-organisasyon sa Communications Office ng Malakanyang.
Ayon kay Andanar, kailangan niyang tumutok ngayon sa operasyon ng mga Communications Office at sa mga attached agencies nito.
Kabilang sa attached agencies ng Presidential Communications Office ang Philippine Information Agency, News and Information Bureau, People's Television Network, Inc. (PTNI), RTVM – Radio Television Malacañang, Bureau of Broadcast Services, APO Production Unit, National Printing Office, Bureau of Communication Services at Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC).
Itatalaga naman kay PCOO Undersecretary Ernesto Abella na siyang tumatayo ring Presidential Spokesman ang lahat ng pahayag o statement ng Pangulo o ang content and messaging ng Malakanyang.
Nilinaw naman ni Andanar na haharap na lamang siya sa mga briefing kapag wala si Abella.
Una nang inanunsyo ni Andanar sa anibersaryo ng PNA na nakatakdang lagdaan ni Pangulong Duterte ang isang Executive Order para ibalik sa orihinal na set-up ang Communications Group ng Palasyo na dating Office of the Press Secretary.