Secretary Esperon, handang humarap sa planong imbestigasyon ng Senado sa akusasyon ni Atong Ang

Manila, Philippines – Tiniyak ni National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon na haharap siya sa Senado sakaling siya ay ipatawag para sa imbestigasyon sa umanoy planong pagpatay sa gambling lord na si Charlie Atong Ang.

Sa briefing ni Esperon sa Malacañang kanina ay sinabi nito na bahala na ang mga Senador kung siya ay isa sa mga ipatatawag para sa kanilang pinaplanong imbestigasyon.

Marami aniya siyang masasabi sa mga operasyon ng illegal gambling ng negosyanteng Chinese.


Pero sinabi ni Esperon na mas maraming importanteng bagay na dapat niyang harapin kaysa sagutin ang bintang ni Ang na isa siya sa mga nagpapapatay dito.

Sinabi nito na ang tinututukan ng pamahalaan ay ang mga hindi binayarang buwis ni Ang sa pamahalaan.

Matatandaan na sinabi din ni Ang na isa din sa nagpapapatay sa kanya ay si Justice Secretary Vitallano Aguirre at iba pang miyembro ng Class 82 ng PMA.

DZXL558

Facebook Comments