Kusang loob na sumuko sa tropa ng militar ang Secretary General ng KARAPATAN Quezon na si Genelyn Dichoso sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Quezon.
Taliwas ito sa pahayag ng Karapatan Timog Katagalugan na inaresto ng militar si Dichoso matapos ang pananakot dito.
Ayon kay Captain Jayrald Ternio, ang tagapagsalita ng 2nd Infantry Division na sa katunayan, isang affidavit ang pinirmahan ni Dichoso at mga local officials na nakasaad na tunay niyang intensyon ng pagsuko sa gobyerno na hindi tinakot ng tropa ng pamahalaan.
Ayon kay Ternio, si Dichoso ay sumuko sa tropa ng Army’s 2nd Infantry Division sa Brgy. Poblacion, Catanauan.
Sumuko aniya si Dichoso dahil sa napagtanto nitong pansariling interest ang ipinaglalaban ng kanilang grupo.
Sumailalim na sa reintegration process, medical check-up at debriefing si Dichoso at ngayon ay binabantayan ng militar dahil sa inaasahaang pagganti ng New People’s Army.