Manila, Philippines – Mismong si Presidential Spokesman Secretary Harry Roque ang nanawagan ngayon sa mga die hard Duterte Supporters o sa mga DDS na alamin ang mga papel at naging papel ng mainstream media sa bansa.
Ito ay sa harap na rin ng mga tirada laban sa media ng mga DDS sa pangunguna bloggers na supporters ni Pangulong Duterte.
Ayon kay Roque, plano niyang kausapin ni Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson para ipaliwanag dito ang kahalagahan ng malayang pamamahayag at ang naging papel ng mainstream media para mainlantad ang katiwalian ng nakaraang administrasyon na naging malaking tulong para mailuklok si Pangulong Duterte sa posisyon.
Matatandaan na lumabas sa balita na gusto ni Thinking Pinoy o RJ Nieto na batuhin ni Roque ang isang miyembro ng Malacanang press Corps na reporter ng Rappler.
Nabatid din na maraming tirada laban sa traditional media ang inilalabas ni Uson sa kanyang blog.
Kapansin-pansin din naman ngayon ang pagbanat ng mga DDS kay Roque dahil sa kanyang posisyon sa traditional media.