War on illegal drugs, hindi dahilan ng pagbaba ng ratings ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Binigyang diin ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na walang kinalaman ang war on illegal drugs at ang pagkakabitin ng Bangsamoro Basic Law (BBL) sa pagbaba ng survey ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang sinabi ni Roque sa harap na rin ng kapansin-pansin na pagbaba ng ratings ng Pangulo sa ilang lumalabas na survey kung saan palagay ng iba ay ang mga pagpatay sa war on illegal drugs ang dahilan kung bakit bumababa ang ratings ng Pangulo.

Ayon kay Roque, positibo pa rin naman ang pagtingin ng publiko sa war on illegal drugs ng administrasyon at nagiging epektibo aniya ito dahil bumaba ang supply ng shabu sa bansa.


Sinabi pa ni Roque na ang pagbaba ng ratings ay hindi na bago dahil maging ang mga nakaraang administrasyon ay naranasan ito.
Ibinida pa ni Roque na dahil matagumpay ang kampanya ng administrasyon para labanan ang iligal na droga ay nagpahayag ang ibang bansa ng kanilang interes na gayahin ito.

Matatandaan na kaninang umaga lamang ay mayroong nahuli ang Philippine Drug Enforcement Agency na 5 kilo ng shabu sa isang apartment malapit lamang sa malacanang compound.

Facebook Comments