Manila, Philippines – Nirerepesto ng sinibak na DILG Secretary na si Secretary Mike Sueno ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin na siya sa kanyang pwesto.
Pero iginiit ng dating kalihim na hindi siya corrupt na opisyal.
Sa press release, sinabi nitong posible mali ang mga impormasyong ipinarating sa Pangulo ng mga taong naghahangad na maiupo bilang DILG Secretary.
Kaya nais ng sinibak na kalihim na ma-validate ang mga impormasyong nakarating sa Presidente.
Sinabi pa ng opisyal na kung nagtanong sana ang Pangulo sa mga tauhan ng DILG mula sa central office hanggang sa regional offices ay masasabi aniyang may credible at karapat dapat siya sa posisyon.
Sa ngayon aniya ay handa siyang linisin ang kanyang pangalan at harapin ang anumang imbestigasyon
Matatandaang una nang kinikwestyon si Secretary Sueno kaugnay sa umanoy maanomalya nitong transaksyon sa pagbili ng pamahalaan ng firetrucks sa bansang Australia.
At dahil umano dito nawalan na nang tiwala sa kanya ang Pangulo kaya tuluyan na syang sinibak sa pwesto.
Nation”