Manila, Philippines – Maba-bypass muli ng Commission on Appointment o CA sina DSWD Secretary Judy Taguiwalo, Health Secretary Paulyn Ubial at Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano.
Ayon kay Senate Majority Leader Tito Sotto III, hindi na kasi maisasalang ang tatlong kalihim sa Confirmation Hearing hanggang bago mag-adjourn and session sa June 2.
Ito ay dahil hindi nareresolba ang resolusyon ni CA member Senator Bam Aquino na humihiling na repasuhin ang bagong CA rules na nagtatakda ng sekretong botohan sa kumpirmasyon ng mga cabinet secretaries.
Ang hakbang ni Senator Aquino ay makaraang makalabas ang impormasyon ng secret voting nila na nagbasura sa appointment ni dating Environment Secretary Gina Lopez.
Maliban dyan, sinabi ni Sotto na wala din sa bansa ang chairman ng CA na si Senator President Koko Pimentel na kasama ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Russia.
Kapag na-bypass ay kailangang ire-appoint ng Pangulo sina Taguiwalo, Ubial at Mariano para patuloy nilang magampanan ang kanilang tungkulin.
Ang tanging sasalang lang sa CA hearing bukas ay ang 29 na heneral ng Armed Forces of the Philippines.
DZXL558