7 lalaki na nakuhanan ng apat na baril at isang granada sa isang pribadong ospital sa Palawan, posibleng makasuhan

Palawan, Philippines – Posibleng kaharapin ng ilan sa pitong kalalakihan na nahulian ng baril at isang granada sa isang pribadong ospital sa lungsod ng Palawan kahapon, ang kasong illegal possession of firearms and live ammunitions and explosive.

Sakaling madiskubre ng mga otoridad na walang kaukulang dokumento ang nakumpiskang tatlong .45 caliber at isang 9mm, 28 piraso ng live ammunitions at isang granada.

Kaugnay niyan, kahapon pa hawak ng Mendoza PNP ang mga walong kalalakihan PARA sa karagdagan imbistigasyon.


Aalamin din kung bakit may mga dala itong mga armas.

Sa panayam ng RMN news team sa isang si Edwin Verano, tumungo umano ang mga ito sa pagamutan para puntahan ang na-confine nilang kakosa na si Teng Adillon na na-admit dahil sa pananakit umano sa bituka nito.

Samantala, itinanggi naman ng isang Jay-R Arais, na hindi sa kanya ang baril na nakuha sa ubox ng kanyang motorsiklo.

Sa ngayon, ay tuloy tuloy pa rin ang imbistigayon ng pulisya hinggil sa insidente.

DZXL558, Archie Barone

Facebook Comments