Secretary Tugade, nag-sorry at naglabas ng bagong mga deriktiba kaugnay sa mga aberya sa RFID

Nag-sorry si Transportation Secretary Arthur Tugade dahil sa perwisyong idinulot ng mga aberya sa pagpapatupad ng cashless transactions sa tollways sa pamamagitan ng Radio Frequency Identification (RFID) system.

Sa pagdinig ng Committee on Public Services na pinamumunuan ni Senator Grace Poe ay sinabi ni Tugade na ang kaustusan ng Department of Transportation (DOTr) na cashless toll collection ay dumaan sa konsultasyon.

Diin ni Tugade, kinonsulta ang lahat ng stakeholders tulad ng Toll Regulatory Board (TRB), Land Transportation and Franchise Regulatory Board (LTFRB), Land Transportation Office (LTO) at mga service providers.


Ayon kay Tugade, Agosto inilabas ang kautusan ng DOTr kaya may tatlong buwan na preparasyon para sa full implementation ng cashless toll collections at ilang beses pa itong iniatras hanggang sa Enero ng susunod na taon.

Dagdag pa ni Tugade, naglabas na rin siya ng panibagong mga deriktiba sa mga toll operators at TRB bilang solusyon sa palyadong RFID system na nagdulot ng matinding problema sa trapiko at naging pahirap sa mga motorista.

Facebook Comments