Top 7 Wanted Person sa Cagayan, Natimbog sa Nueva Vizcaya

Cauayan City,Isabela- Arestado ang Top 7 Most Wanted Person Provincial Level na kabilang sa intel list sa Brgy Calitlitan, Aritao, Nueva Vizcaya ngayong araw.

Inaresto ng pinagsanib na pwersa ng Sta. Teresita Police Station, CPPO Provincial Intelligence Unit at Provincial Intelligence Unit ng NVPPO ang suspek matapos magsagawa ng Manhunt Charlie na ikinadakip ni MercyTabuzo,65-anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Villa, Sta. Teresita, Cagayan.

Nadakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Andres Cipriano, RTC Judge Second Judicial Region Br. 7 Aparri Cagayan na may petsang Disyembre 2006 para sa kasong Large Scale Illegal Recruitment habang walang inirekomendang piyansa para sa nasabing kaso.


Agad naman ipinasakamay sa PNP Sta. Teresita ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments