Manila, Philippines-Nagisa ng husto si Secretary Perfecto Yasay Jr. sa kanyang pagsalang sa Confirmation Hearing ng Commission on Appointments – Committee on Foreign Relations na pinamumunuan ni Senator Panfilo Ping Lacson.
Humingi agad ng paumanhin si Yasay kung nagdulot ng kalituhan ang kanyang mga pahayag kaugnay sa kanyang US citizenship at iginiit niya na sya ay nananatiling tunay na Pilipino.
Inamin ni Yasay na noong November 1986 ay nabigyan siya ng US passport at US naturalization.
Pero hindi na nya tinuloy ang proseso dahil nagdesisyon sya matapos ang martial law n bumalik at manatili na sa Pilipinas.
Sabi naman ni Congresswoman Josephine Sato, malinaw simula noong 1986 hanggang nito lamang February 9, 2017 ay US citizen si Yasay base sa listahang inilabas ng US internal revenue service.
Giit ni Congresswoman Sato, hindi naman pwede na si Yasay lang ang nagsasabi na hindi sya US citizen taliwas sa katotohanan.
Kasabay nito ay binatikos din ni Sato ang pahayag ni Yasay sa isang media interview na ang isyu tungkol sa kanhang citizenship ay bahagi ng destabilization plot laban sa Duterte administration.
Matapos ang CA hearing ay nagkaroon ng caucus ang mga miyembro at pinagbotohan kung ire-reject o iko kumpirma ang appointment ni Yasay.
Ang resulta ng secret voting ay ihahayag mamaya sa CA plenary.