Pagdinig ng CA sa confirmation ni DENR Secretary Lopez, nagsimula na

Nagsimula na ang pagdinig ng Commission on Appointments o CA Environment and Natural Resources Committee sa appointment ni DENR Secretary Gina Lopez.

 

23 ang lahat ng oppositors o tutol sa kumpirmasyon ni Lopez, pero ayon kay CA Committee Chariman Senator Manny Pacquiao, walo lang muna ang papakinggan nila ngayon.

 

Panayam kay Lopez, bago ang pagsalang sa CA hearing ay biniyang diin na hindi niya  ikinakatinag ang 23 oppositors dahil milyun-milyong mga Pilipino aniya ang kanyang kakampi.

 

Patunay aniya nito ang araw araw na halos anim na milyong views at likes sa kanyang Facebook page.

 

Sa ngayon ay nagsasagawa ng power point presentation si Secretary Lopez, habang nasa tabi niya nakaupo ang pangunahing kritiko na si Congressman Ronaldo Zamora.

Facebook Comments