Securities and Exchange Commission, nagbabala sa publiko hinggil sa mga investment scheme

Muling nagbabala ang Securities and Exchange Commission (SEC) sa publiko dahil sa patuloy na paglaganap ng hindi otorisadong investment scheme na nag-aalok ng mga malalaking tubo.

Sa pahayag ng SEC, dapat maging maingat ang publiko sa pamumuhunan para hindi matulad sa mga naging biktima ng iba’t ibang investment scam lalo na’t ginagamit na ng mga manloloko ang online platforms sa kanilang iligal na aktibidad.

Ipinaalala ng SEC na dapat na tiyakin ng mga gustong mag-invest na ang platforms na kanilang sinasalihan ay may magandang track record at lehitimong nakatala sa kanila kung saan maaari nilang kumpirmahin ang record nito sa kanilang website.


Ayon pa sa SEC, bukod sa traditional Ponzi at pyramiding schemes, may ilang entity at indibidwal na gumagawa ng bagong illegal investment schemes tulad ng cryptocurrencies at foreign exchange trading.

Paliwanag ng ahensiya na tanging mga kompanyang may kaukulang lisensya mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang maaaring gumawa ng currency trading.

Facebook Comments