Security aide ni Spox Roque, positibo sa COVID-19

Naka-isolate ngayon sa kaniyang tahanan si Presidential Spokesman Secretary Harry Roque.

Ito ay makaraang magpositibo sa COVID-19 ang isa sa kaniyang security details.

Gayunpaman, sinabi ni Roque na wala naman siyang nararamdamang mga sintomas ng COVID-19 .


Kailangan lamang niyang sumunod sa health protocols na itinakda ng Department of Health (DOH).

Kaugnay nito, sinabi ng kalihim na gagawin niya na lamang via online dahil hindi siya makadadalo ng personal sa isasagawang pulong mamayang gabi sa Malakanyang kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.

Magkakaroon kasi ng panibagong public address si Pangulong Duterte mamayang gabi pagkatapos ng meeting nito kasama ang ilang opisyal ng Inter-Agency Task Force (IATF) at ng gabinete.



Facebook Comments