Security alert status sa Batangas itinaas ng PNP

 

Itinaas ng Philippine National Police ang kanilang alerto sa Batangas kasunod ng pagputok ng Bulkang Taal.

 

Ayon kay PNP Spokesperson Brig Gen Bernard Banac tinututukan kasi ng mga pulis ang pagpapalikas sa mga residente na lubhang apektado ngayon ng pagputok ng bulkan.

 

Bukod rito nakatutok rin sila sa  pagbabawal na tumungo sa may bahagi ng Taal volcano island at mga high risk area katulad ng bayan ng Agoncillo at Laurel sa Batangas.


 

Sinabi pa ni Banac, utos rin ni PNP OIC Lt Gen Archie Francisco Gamboa sa mga pulis sa Region 3, Region 4A, Region 5 at NCR na paganahin na ang kanilang Disaster Incident Management Task Group,  Regional Reactionary Standby Force, and Search at Rescue assets para sa posibleng deployment.

 

Utos rin ni Gamboa na magpulong ang mga ito para sa gagawing pakikipag ugnayan sa mga local gov’t unit upang masa mapabilis ang pagbibigay ng tulong sa mga residenteng lubhang apektado ng pagputok ng bulkang Taal.

Facebook Comments