Itinaas ng Office of Transportation Security o OTS ang security condition sa apat na paliparan ng Ninoy Aquino International Aiport.
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA) simula noong biernes, itinaas ng OTS sa Security Condition Level 2 mula sa dating Security Condition Level 1
Sa ilalim ng “Security Condition Level 2,” mas mahigpit na seguridad ang paiiralin, ang mga motorista na papasok sa airport ay required na buksan ang trunk ng kanilang sasakyan.
Habang ang mga pasahero ay obligado na maghubad ng kanilang sapatos at tanggalin ang suot na sinturon sa final check bago ang boarding area.
Inilagay ng airport authorities ang Ninoy Aquino International Airport sa ilalim ng “Security Condition Level 2 dahil sa travel peak ngayon semana santa.