SECURITY COOPERATION AGREEMENT | National Security Adviser Hermogenes Esperon, tutungo ng Russia ngayong araw

Manila, Philippines – Bibisita si National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. sa Moscow, Russia ngayong araw para isulong ang security operation sa pagitan ng Pilipinas at Russia.

Magsasagawa ng pag-uusap si Esperon kay Russian Federation Security Council Secretary Nikolay Patruchev para talakayin ang pagpapatupad ng security cooperation agreement.

Sasamahan si Esperon ng kanyang delegasyon na binubuo ng defense officials, militar, pulis at law enforcement senior officials.


Nabatid na nagpahayag ng paghanga si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamumuno ni Russian President Vladimir Putin.

Facebook Comments