Iginiit ng 11th Infantry Division ng Philippine Army na hindi nagkulang ang security forces sa pagresponde sa mga intelligence report hinggil sa kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu.
Ayon kay 11th ID General Staff for Civil Military Operations Spokesperson Lieutenant Colonel Ronald Mateo, mahigpit pa rin ang ipinaptutupad na seguridad sa Sulu.
Ang mga terorista aniya ay mahirap i-predict lalo na ang mga suicide bombers.
Nagbuwis ng buhay ang mga sundalo sa pagpapatupad ng kanilang sinumpaang tungkulin na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa Sulu.
Nabatid na nasa 15 ang namatay at 74 ang nasugatan sa insidente.
Facebook Comments