Security forces ipinagtanggol ng Pangulo sa harap ng nangyaring Jolo twin bombing

Dinipensahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga otoridad matapos ang nangyaring pagsabog sa Jolo, Sulu noong nakaraang araw ng Linggo kung saan mahigit 20 ang namatay at ikinasugat ng maraming iba pa.

Ito naman ang sinabi ni Pangulong Duterte sa harap na rin ng pag-amin ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at maging ng Malacañang na mayroong security lapses o kapabayaan sa hanay ng security forces kaya nakalusot ang pagsabog.

Ayon kay Pangulong Duterte, ayon sa Murphy’s law na whatever can go wrong, will go wrong at hindi din naman aniya masisisi ang mga otoridad dahil gumawa ng mga paraan ang mga suspect para hindi makita o para makalusot sa mga nagbabantay sa simbahan.


Pero binigyang diin din ni Pangulong Duterte na hindi naman ito paghuhugas ng kamay dahil ang bawat namatay dahil sa karahasan ay maituturing pa rin na kabiguan ng Pamahalaan sa kanilang mandato na protektahan ang sambayanang Pilipino.

Wala pa rin namang pahayag si Pangulong Duterte sa nangyaring pagsabog sa Zamboanga City kaninang madaling araw.

Facebook Comments