Dagupan City – Arestado si Raymark Anicas isang security guard sa lungsod ng Dagupan matapos nitong tutukan ng baril ang tatlong menor de edad na naglalakad pauwi lamang.
Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad pauwi umano ang tatlong kabataan mula sa computer shop ng walang kaabog-abog na tinutukan sila ng baril ng suspek sa hindi malamang dahilan na humantong pa sa habulan. Nakapag-sumbong naman ang mga bata sa himpilan ng PNP Dagupan na agad namang nilang nirespondehan.
Nadakip ang suspek na si Anicas na bigong makapagpakita ng identification card bilang security guard at lisensya ng kalibre 9mm nitong baril. Tanging photocopy ng temporary registration permit ng baril ang naipakita ng kanyang ahensya sa kapulisan.
Nakapiit ngayon ang suspek sa PNP Dagupan police station kung saan nahaharap ito sa mga kaso sa paglabag ng RA 10591 o Comprehensive firearms ang ammunition act at paglabag sa RA 7610 na may kinalaman sa child abuse.