Security guard na suspek ng pagpatay – kalaboso

General Santos City – Kalaboso ang isang security guard na si John Vincent Marcelino, 21-anyos, residente ng Park Masagana, Polomolok, South Cotabato – isa sa tatlong suspek ng pananaksak sa biktimang si Nelson Marcera, residente sa barangay Calumpang.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Police Station 2 napag-alaman na nag-inuman ang grupo ng suspek at ng biktima sa isang Video-k bar sa National Highway ng DARBCI, Barangay Apopong.

Nang nalasing na ang dalawang grupo doon na nagsimula ang girian na naging dahilan ng rumble.


Nasaksak ang biktimang si Marcera ng suspek at dalawa pang kasamahan nito na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Agad na tumakas ang mga suspek na sina Alias Dagol at Alias Dodong habang si Marcelino ay nadakip sa ginawang hot pursuit operation ng PNP.

Kasong Homicide ang kinahaharap ngayon ni Marcelino at ng dalawa pang kasamahan nito.
DZXL558

Facebook Comments