Patay ang security guard ng Munisipyo ng Urbiztondo Pangasinan matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa harap ng sementeryo sa Brgy. Poblacion ng nasabing bayan.
Kinilala ang biktima na si Jeric Caguioa, 34 anyos.
Sa imbestigasyon ng otoridad, pauwi na si Caguioa lulan ng kaniyang motor ng pagbabarilin ito ng hindi pa nakilalang suspek.
Nakarating pa si Caguiao sa PNP Urbiztondo upang ireport ang nangyaring pamamaril sa kaniya.
Dahil sa natamo nitong sugat sa pamamaril agad na itinakbo sa ospital ng mga pulis ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.
Inaalam na ng otoridad ang motibo sa pamamaril sa suspek.
###
Facebook Comments