Security Guard sa San Mariano, Isabela, Arestado matapos manggulo at magpaputok ng Baril!

*San Mariano, Isabela- *Arestado ang isang gwardiya matapos manggulo at magpatuok ng baril sa Brgy. San Pablo, San Mariano, Isabela bandang alas nuwebe y medya kaninang umaga, Agosto 20, 2018.

Kinilala ang gwardiyang nadakip na si Mike Chester Vizcara, bente kwatro anyos, binata at residente ng Brgy. Bitabian, San Mariano, Isabela.

Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, nakatanggap umano ng impormasyon mula sa isang concerned citizen ang PNP San Mariano na umano’y nakarinig ito ng maraming putok ng baril malapit sa isang sementeryo ng nasabing barangay na agad namang nirespondehan ng mga pulis.


Dito na naabutan ng mga pulis ang suspek at nakumpiska mula kay Vizcara ang isang kalibre kwarentay singkong baril.

Dinala na sa San Mariano Police Station ang suspek para sa kanyang kaukulang dokumentasyon at disposisyon habang Inihahanda naman ng kapulisan ang kasong Alarms and Scandal laban kay Vizcara.

Facebook Comments