Security of tenure bill, hiniling na huwag madaliin ang pagapruba kahit pa nakalusot na ito noong 17th congress

Hinimok ng ilang mga kongresista ang liderato ng Kamara na huwag madaliin ang pagpapasa sa Security of Tenure Bill.

Ayon kay AAMBIS-OWA Party-list Rep. Sharon Garin, dapat pag-aralan muna nang husto ng komite ang mga probisyon na nilalaman ng Security of Tenure Bill.

Hindi aniya makakabuti kung mamadaliin ang pagpasa rito sa komite pa lamang sa pamamagitan ng paggamit ng House Rule 10, Section 48 dahil sa naaprubahan na ito noong 17th Congress.


Para naman kay Anak Mindanao Party-list Rep. Amihilda Sangcopan, makakabuti rin kung magkakaroon ng mas mabuting koordinasyon sa pagitan ng Kongreso at Ehekutibo.

Sa ganitong paraan, maiiwasan ayon kina Garin at Sangcopan na ma-veto ng Pangulo ang anti-endo bill.

Pagtitiyak naman ni House Speaker Alan Peter Cayetano na prayoridad pa rin ngayong 18th Congress na maipasa ang Security of Tenure Bill.

Facebook Comments