Security of Tenure Bill, posibleng lagdaan na ni PRRD

Pirma na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hinihintay upang maging ganap na batas ng Security of Tenure Bill.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, naisumite na niya sa Malakanyang ang kanyang rekomendasyon para maisabatas ang Security of Tenure Bill na malaki ang maitutulong sa sektor ng paggawa, lalo na sa mga manggagawa, ang Endo Act of 2018.

Paliwanag nito, magiging malinaw na sa batas ang lahat ng umiiral na labor arrangements.


Habang mapapagtibay din sa batas ang seguridad ng trabaho ng manggagawa dahil ipagbabawal na ang labor contracting at mapaparusahan ang mga lalabag.

Setyembre noong nakaraang taon ng sinertipikahan ng Malakanyang na ‘urgent’ ang panukala alinsunod sa pangako ni Pangulong Duterte na tuldukan na ang kontraktuwalisasyon sa bansa.

Facebook Comments