Security of Tenure Bill, sisikaping maipasa bago matapos ang 17th Congress

Manila, Philippines – Sa pagbabalik ng regular na session sa May 20 ay agad na isasalang ng Senado sa third at final reading ang Security of Tenure Bill na sertipikadong urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Committee on Labor Chairman Senator Joel Villanueva, sisikapin nilang mapaaprubahan agad ang panukala sa bicameral conference para maratipikahan bago magsara ang 17th Congress sa June 7.

Tiwala si Villanueva, na suportado ito ng kanyang mga kasamahan lalo na ni Senate President Tito Sotto III.


Itinatakda ng Security of Tenure Bill ang pagbabawal sa kontraktwalisazyon at labor-only contracting na tinatawag ding ENDO o end-of-contract.

Una ng iginiit ni Villanueva na ang panukalang ito ay higit na magpapasigla sa sektor ng paggawa dahil siguradong pag-iibayuhin pa ng mga manggagawa ang kanilang trabaho kapag protektado ang kanilang kapakanan sa pamamagitan ng pagiging regular o pagkakaroon ng Security of Tenure.

Facebook Comments