Negros Occidental – Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Security Office ng Negros Occidental provincial government upang alamin kung gumagamit nga ng fake license sa kanilang mga armas ang apat na mga security agencies na siyang nagseserbisyo ngayon sa provincial government.
Ayon kay Provincial Security Office head Venchito Magalona na sa meeting nito kasama ang mga security agency representatives, inamin ng mga ito na hindi nila matukoy kung peke o hindi ang lisensyang hawak ng kanilang mga security guards.
Ito’y kasunod na ang PNP Regional Civil Service Unit ang nagsagawa ng inspection at nakakuha sila ng anim na fake license mula sa naturang mga security guards ng Life Guard Security Agency.
Dahil dito, nagdesisyon si Magalona na magsagawa ng imbestigasyonmatapos lumabas ang report na ang mga gun lincese ng mga guards na naka assign sa Negros First Provincial Blood Center ay peke.