Kinumpirma ni House Sec. Gen. Jose Luis Montales na isang security personnel ng mababang kapulungan ang nagpositibo sa COVID-19.
Sa mensahe na ipinadala ni Montales sa media, sumasailalim na sa dialysis ang security personnel at huli itong nag-report sa duty noon pang Enero.
Naospital ang security personnel noong April 7 dahil sa pneumonia pero ito ay na-discharged din sa pagamutan noong April 11.
Kasalukuyang nasa ospital ulit ngayon ang security personnel ng Batasan Complex matapos na lumabas na positibo ito sa Coronavirus Disease.
Gayunpaman, asymptomatic ang nasabing security personnel na patuloy na nagpapagaling at naka-self quarantine na sa ospital.
Facebook Comments