Palengke on Wheels sa San Juan City, magbibigay ng malaking discount

Inihayag ni San Juan City Mayor Francis Zamora na magbibigay ang Pamahalaang Lokal ng San Juan ng malaking discount para sa kanilang Palengke on Wheels sa kanilang mga residente.

Gagawin ito ngayong araw sa Barangay St. Joseph at sa Barangay Sta. Lucia sa P. Parada corner Asinas Street na magsisimula ng alas 9:00 ng umaga hanggangg sa maubos ang supplies ng Palengke on Wheels.

Magiging katuwang ng San Juan City Gov’t ang mga lehitimong manininda ng Agora Market.


Tiniyak rin ni Mayor Zamora na ang mga ibinebenta sa Palengke on Wheels ay hindi galing sa mga ipinamimigay na donasyon.

Ang hakbang na ito ng Lungsod ng San Juan ay upang maiwasan na ang paguumpukan sa mga palengke na paglabag sa ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine protocols.

Facebook Comments