Manila, Philippines – Matapos ang matagumpay na seguridad sa ikalawang State of the Nation Address ng Pangulong Duterte,paghahandaan naman ngayon ng National Capital Region Police Office ang security plans para sa ASEAN Leaders meeting sa bansa sa Nobyembre.
Umapela naman sa publiko si NCRPO Chief, Police Director Oscar David Albayalde na tulungan sila sa kanilang paghahanda sa pagdating sa Pilipinas ng world leaders.
Samantala,pinapurihan ni Albayalde ang lahat ng ahensya kabilang na ang augmentation forces na tumulong para maging matagumpay ang seguridad sa SONA kahapon.
Ayon kay Albayalde, dahil sa pagkakapit-bisig ng government agencies ay nakamit ang zero incident kahapon.
Ito ay sa kabila ng pagdagsa ng 16,000 na pro at anti-government groups na nag-rally kahapon kasabay ng SONA ng Pangulong Duterte.