Epektibo na ngayong araw, August 21, ang muling magpapatupad ng “segregation scheme” ng mga pasahero ang MRT-3.
Layon nito na mapagaan ang biyahe ng mga priority passenger kung saan ibibilang ang mga babaeng estudyante na magbabalik-eskwela bukas.
Sa ilalim ng segregation scheme, ilalaan ang unang dalawang pintuan ng bagon ng tren para sa senior citizens, PWDs, mga buntis at may kasamang maliliit na bata habang sa huling tatlong pintuan ang mga babaeng pasahero kasama ang mga estudyante.
Bukas naman ang ikalawa at ikatlong bagon para sa lahat ng uri ng pasahero.
Facebook Comments