3,715 new COVID-19 cases, naitala ng DOH kahapon; Aktibong kaso, nabawasan ng higit 1,000

55

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 3,715 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon, August 20 para sa kabuuang 3,852,170.

Gayunman, bumaba sa 36,146 ang aktibong kaso ng sakit sa bans amula sa 37,225 na naitala noong Biyernes.

Sa nakalipas na dalawang linggo, ang National Capital Region pa rin ang nakapagtala ng pinakataas na bilang ng bagong kaso ng COVID-19 na aabot sa 14,206.


Sinundan ito ng Calabarzon na mayroong 8,641 cases; Central Luzon, 4,842; Western Visayas, 2,572 at Cagayan Valley na mayroong 2,177 cases.

Samantala, nakapagtala rin ang DOH ng 4,753 new recoveries para sa kabuuang 3,754,716.

Habang umakyat sa 61,308 ang bilang ng nasawi matapos namadagdagan ng 47.



Facebook Comments