SEGURIDAD | Bataan PNP, nakabantay sa iba’t ibang sementeryo ngayong undas

20

Bataan – Nagpakalat ngayon ang Bataan Police Provincial Office ng 367 bilang ng pulis kaugnay ng pag-obserba sa Todos Los Santos.

Ayon kay Bataan Police Director Senior Supt. Marcelo Dayag, bukod dito ay katuwang nila ang 1,562 force multipliers mula sa 11 bayan at isang syudad ng lalawigan ng Bataan para magbantay sa 51 sementeryo at memorial parks.

Sa naturang bilang 34 dito ay pawang pampublikong libingan at 17 ang private cemeteries at memorial parks.

Facebook Comments