Seguridad na ipatutupad ng PNP para sa inaasahang kaliwa’t kanang kilos protesta sa SONA, kasado na!

Kasado na ang ipatutupad na seguridad ng Philippine National Police (PNP) sa inaasahang kaliwa’t kanang kilos-protesta sa araw ng State of Nation Address o SONA.

Apat na militanteng grupo ang pinayagang mag-protesta kasabay ng SONA ni Pangulong Bongbong Marcos.

Magpoprograma rin ang mga taga-suporta ng administrasyong Marcos.


Una nang tiniyak ng PNP na paiiralin nito ang maximum tolerance.

Mahigit 20,000 pulis ang ipapakalat sa Metro Manila.

Samantala, tuloy na tuloy rin ang tatlong araw na tigil-pasada ng grupong MANIBELA kasabay ng SONA ni Pangulong Marcos.

Nagbabala ang grupo na posibleng pahabain pa nila ng ilang araw ang transport strike kung hindi pakikinggan ng Department of Transportation at LTFRB ang kanilang mga hinaing kaugnay ng PUV modernization program.

Facebook Comments