Contigency measure sakaling magkaroon ng emergency sa kasagsagan ng SONA, plantsado na ayon sa Kamara

Isinailalim sa inspeksyon ang Batasang Pambansa Complex kung saan gaganapin ang ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Lunes.

Ayon kay House of Representatives Secretary General Reginald Velasco, ito ay upang matiyak ang seguridad at kalinisan sa plenary hall.

Magsasagawa rin ng rehearsal o simulation ng magiging kaganapan sa SONA.


Plantsado na rin ang contigency measures ng Kamara sakaling magkaroon ng emergency.

Kabilang dito ang evacuation plan para sa emegency scenarios gaya ng lindol, sunog at terorismo.

Una nang isinailalim sa lockdown ang Batasang Pambansa Complex noong Huwebes.

Facebook Comments