Seguridad ng elected government officials, tiniyak ng PNP

Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) na magbigay ng seguridad sa elected government officials kasunod ng pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at iba pang opisyal.

Ito ang pagtitiyak ni PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo.

Ayon kay Fajardo, may mga opisyal na lumapit sa PNP upang matiyak ang kanilang seguridad kasunod ng mga naitalang karahasan.


Pero paglilinaw nito, kailangan dumaan sa tamang proseso ang kahilingan ng mga opisyal bago maaprubahan ang hinihingi nilang karagdagang seguridad.

Nabatid na pinapayagan na magkaroon ng dalawang security detail ang mga opisyal na nakatatanggap ng pagbabanta sa kanilang buhay.

Matatandaang iniutos ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., ang pagsasagawa ng threat assessment na magiging gabay nila sa pagdaragdag ng seguridad sa mga opisyal ng gobyerno.

Facebook Comments