Davis, nagbuhos ng 35-pts para ilampaso ng Lakers ang Pelicans, 123-108

Lumakas pa ang loob ngayon ng Los Angeles Lakers na makahabol man lang sa playoffs matapos na ilampaso ang New Orleans Pelicans, 123-108.

Ito na ang ika-34 na panalo ng Lakers para magkaroon ng 3-way tie sa Mavs at Thunder kung sakaling gaganapin na ang play-in tournament.

Nagbuhos ng 35 points at 17 rebounds si Anthony Davis para pangunahan ang pagdomina ng Lakers sa Pelicans habang nagpapagaling pa rin sa kanyang injury si LeBron James.


Nagpakitang gilas din si Malik Beasley na nagpaulan ng pitong 3-point shots sa kanyang kabuuang 24 points.

Sa init ng kamay ni Beasley, nagtala rin ito ng franchise record sa nagawang 3’s sa loob ng half time.

Si D’Angelo Russell ay nagdagdag naman ng 17 points.

Sa kampo ng Pelicans (33-36) nasayang ang pagbabalik ni Brandon Ingram na may 22 points na kagagaling lamang sa right ankle injury.

Mayroon na lamang 13 games ang natitira bago magtapos ang NBA regular season.

Narito ang iba pang games results;

Cavaliers 120 vs. Hornets 104

Wizards 117 vs. Pistons 97

Raptors 125 vs. Nuggets 110

Thunder 121 vs. Nets 107

Spurs 132 vs. Magic 114

Bucks 116 vs. Suns 104

Knicks 123 vs. Blazers 107

Facebook Comments