Seguridad ng Gensan mas pinaigting matapos ng pagsabog sa Isulan Sultan Kudarat

General Santos City—Inutusan na ni Gensan City Mayor Ronnel Rivera ang Gensan city Police Office at ang Joint Task Force Gensan na mas paigtingin pa ang seguridad ng Gensan matapos sa nangyaring pagsabog sa Isulan Sultan Kudarat kagabi kung saan dalawa ang namatay habang 35 naman ang sugatan.

Sinabi ni mayor Rivera na hindi maipagkakaila na ang Gensan ay dati nang may banta sa seguridad lalo na at noong nakaraang buwan may mga IED components na nakumpiska ang Pulisya at ang Militar at may mga kasapi na ng terorista ang napatay at naaresto sa operasyon ng PNP at AFP.

Sinabi ni Mayor Rivera na hindi nito papayagang guluhin ng kahit anong grupo ang Gensan lalo na ngayong paparating na ang Tuna festival na magsisimula sa darating sa Setyembre 1 hanggang Setyembre a 5.


Humingi na rin ng dagdag na pwersa ng militar at PNP Personnel si mayor Rivera para tumulong sa pagbigay ng seguridad sa buong lunsod.

Samantala sa interview ng RMN Gensan news team kay 10th ID Major General Noel Clement, sinabi nito na isinailalim na nila ang Gensan at ang lunsod ng Davao sa Heightened Alert Status dahil mataas ang potensyal ng nasabing mga lunsod na target sa terroristic Activity.

Facebook Comments