Manila, Philippines – Mas lalo pang hinigpitan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang kanilang seguridad sa bangko sa bansa.
Ayon kay BSP Governor Nestor Espenilla, sa susunod na buwan na kasi nila ilalabas ang kanilang upgraded cyber-security framework na magpapalakas sa depensa ng mga bangko laban sa mga hackers.
Bahagi ng upgraded cyber-security framework ng BSP ay pagkakaroon ng mabilis na paggalaw sa pagitan ng regulator at mga financial institutions at automated complaint handling system para sa mga consumers sa pamamagitan ng SMS at messaging application na Viber.
Nabatid na ayaw nang maulit ng BSP ang nangyaring pag-hack sa halos 81 million dollars mula sa account Bangladesh sa New York Federal Reserve papuntang Rizal Commercial Banking Corp. Branch sa Makati City noong Pebrero ng nakaraang taon.